Mylene Dizon, lumipat sa GMA-7

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Mylene-Dizon-copy-447x500

ALMOST twenty years na sa showbiz ang mahusay na aktres na si Mylene Dizon na nakasabayan ng pagsisimula rin noon nina Piolo Pascual at Diether Ocampo sa ABS-CBN. Ang pinakahuli niyang teleserye sa Dos ay ang Ikaw Lamang.

Pero ngayon ay may project siya sa GMA-7, ang New Year opening salvo ng Kapuso Network na romantic-comedy series na Once Upon A Kiss na pagtatambalan ng tween love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Mabuti at pinayagan siyang lumipat sa GMA Network.

“Wala naman akong kontrata sa ABS-CBN, kaya p’wede akong magtrabaho kung saan ko gusto,” sagot ni Mylene. “Bilang respeto, nagpaalam naman ako sa kanila. Saka hindi ito ang first time kong magtrabaho sa GMA.  In 2008, ginawa ko ang Dyesebel with Marian Rivera, ako si Dyangga.  Nakagawa na rin ako ng movie sa GMA Films, ang Sosy Problem.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na  tanggaping nagiging nanay siya ni Miguel?

“Hindi naman, saka may mga anak na rin naman ako, dalawa, sina Tomas, 9 at si Lucas, 5. Last Christmas Eve, kasama ko sila at noong Christmas Day, kasama naman sila ng daddy nila, si Paolo (Paraiso) with his family.  Maganda ngang katrabaho si Miguel, nakakatuwa siya, magaan siyang katrabaho.  Sa ngayon, hindi ko pa nakakasama sa eksena si Bianca, pero nakikita ko na maganda ang chemistry ng dalawang bagets.”

As usual, kontrabida siya sa Once Upon A Kiss. Mayaman ang role niya, anak siya ng may-ari ng Royal Pineapple Plantation in Silang, Cavite, si Senyor King played by Michael de Mesa.  Magkaaway sila ni Manilyn Reynes na inagawan niya ng boyfriend, si Cris Villanueva, at naging anak nga nila si Prince (Miguel).

Poor lamang sina Manilyn na ang napangasawa ay si Keempee de Leon, kaya ayaw ni Mylene sa anak ng mga ito na si Ella (Bianca) for Prince.  Ang gusto niya para kay Prince ay si Sabrina Man na anak ng best friend niyang si Maricar de Mesa, kaya gagawin nila ang lahat para paghiwalayin sina Prince at Ella.

Hindi ikinaila ni Mylene na boyfriend niya ngayon ang dating cager na si Jason Webb, na separated na rin sa dating wife nitong si Claudine Trillo.

“One year na rin kami ni Jason, kasundo siya ng mga anak ko. May two daughters din siya na kasundo ko at ng mga anak ko, halos of same age sila kaya nagba-bonding sila. Kaya wala na kaming balak na madagdagan pa ang mga anak namin, apat na sila. Wala rin kaming pinag-uusapan na magpakasal, tama na rin iyong magkasundo kami sa relasyon namin.”

Ang Once Upon A Kiss ay mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal at mapapanood na simula sa susunod na Lunes, January 5, 2015, after ng 24 Oras.