Ex-Rep. Hontiveros, itinalaga sa PhilHealth

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Isa pang talunang kandidato ng administrasyon sa nakaraang eleksiyon ang binigyan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng posisyon sa gobyerno.

Itinalaga ni PNoy si dating Akbayan Party-list Rep. Risa Hontiveros bilang bagong director ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa source.

Si Hontiveros ang tatayong kinatawan ng mga health care provider sa PhilHealth Board base sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Nobyembre 20.

Kilalang tagasuporta ni Aquino, natalo si Hontiveros sa senatorial race noong 2013 elections.

Kamakailan, itinalaga rin ni Aquino si dating An-Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel bilang director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tulad ni Hontiveros, ang kapwa Liberal Party member na si Noel ay natalo rin sa mayoralty race sa Tacloban noong 2013 elections. (Genalyn D. Kabiling)