Vilma Santos, tuloy ang pagiging ninang kina Marian at Dingdong

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Vilma Santos

SA presscon ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto para sa Ala Eh Festival na isinasagawa na ngayon sa Taal (hanggang December 8), naitanong ang pagiging close niya kay Marian Rivera.

Nagsimula ang closeness nila nang pumayag si Marian na gumanap sa isang camero role sa pelikulang Esktra ng Star for All Seasons na ipinalabas noong nakaraang taon at umani ng mga papuri sa iba’t ibang award-giving bodies, local at international.

Kaya sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes sa December 30, may malaking partisipasyon din si Gov. Vi, bilang isa sa principal sponsors.

Matatandaan na sa shooting pa lamang ng Ekstra, nasabi na ni Ate Vi na nais niyang maging ninang sa kasalang Marian-Dingdong, if ever. Magaganap na nga ito at wala nang urungan.

‘Yun nga lang, nang araw na iyon ng presscon-pasasalamat ni Ate Vi sa magarbong events place ni Mother Lily Monteverde, nalaman naming hindi pa pala personal na lumalapit sa kanya ang couple para hilingin o tanggapin ang pagnininang ni Ate Vi sa kanila.

Pabirong sabi tuloy ni Ate Vi, “Marian, kung nanonood ka, baby, ninang ako. Kasi, three Sundays na gusto nila akong dalawin, kasi respeto sa ninang. Eh, Hindi nga ako nakakapunta dahil hindi nga ako makalabas because of ‘yung sakit ko. Kaya sabi niya, ‘Bakit naman ganu’n, Ninang Vi?’ Sabi ko sa kanya, ‘Don’t worry, kahit hindi niya ako pasyalan, definitely, ninang ako sa December 30,” pangako ni Ate Vi sa dalawa.

So kahit hindi na siya puntahan, tulad ng ginagawa nina Marian at Dingdong sa kanilang magiging principal sponsors, pupunta pa rin ang Star for All Seasons sa grand wedding.

“Oo naman, nangako ako kay Baby Marian,” nakangiting pahayag ni Governor Vi.