Isabelle Daza, tatlong taon hinintay ng Dreamscape

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Isabelle Daza

TATLONG taon pala ang ipinaghintay ni Mr. Deo T. Endrinal, ang prime mover ng Dreamscape, kay Isabelle Daza bago ito lumipat sa ABS-CBN para sa project na Nathaniel kasama si Gerald Anderson na crush ng magandang dilag.

“Bago pa lang pumirma sa GMA si Isabelle, gusto ko na siya, kinukuha na namin siya rito,” sabi ni Sir Deo nang makakuwentuhan namin pagkatapos ng press preview ng “The Gif Giver” episode para sa Christmas seryeng Give Love On Christmas na papalit sa Be Careful With My Heart.

Bago pa pala nag-GMA, e, bakit hindi kaagad kinuha para hindi na naghintay ang ABS-CBN?

“Eh, nauna kasi silang makipag-usap sa GMA, so sabi ko, okay ‘pag expired na ang contract, i-try naman nila rito, sabi ko kay Leo (Dominguez),” sagot ni DTE (tawag kay Sir Deo).

Hindi nakalimutan ng manager ni Isabelle ang sinabing iyon ng Dreamscape Entertainment head kaya pagkatapos ng kontrata ni Isabelle sa GMA ay hindi na siya nag-renew.

Sa pagkakatanda namin ay gusto rin ng Dos si Lovi Poe pero mukhang hindi naman type umalis ng dalaga sa GMA-7.

Si Alessandra de Rossi kaya walang planong lumipat din ng ABS-CBN? Pag nagkataon, maraming kasing edad na aktres ni Alex ang mai-insecure dahil tiyak na itataob sila nito pagdating sa pag-arte.

Anyway, looking forward si Isabelle sa unang project niya sa ABS-CBN na Nathaniel na pambata katulad ng project ng Mommy Gloria Diaz niya na nasa Dream Dad naman na bagets din ang kasama ni Zanjoe Marudo.