‘Crossroads,’ perfect Dawn-Richard movie

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

bea, richard, dawn at direk nuel naval

Ni JIMI C. ESCALA

ANG The Trial sana ang magsisilbing balik-tambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa big screen. Pero tinanggihan ni Dawn ang project, dahil feeling niya ay hindi ito bagay bilang comeback movie nila ni Goma.

Kabaligtaran naman ang Crossroads na nang mabasa ni Dawn ang synopsis ay walang kagatul-gatol siyang pumayag agad. Sey ng aktres, ito ang proyektong hinahanap niya para ihandog sa mga tagahanga na naghihintay sa reunion movie nila ng kanyang paboritong leading man.

Makakasama nina Richard at Dawn ay young movie queen na si Bea Alonzo, sa direksiyon ni Nuel Naval, at nakatakdang ipalabas sa early 2015.

“Isang movie ito na medyo kakaiba naman. This is not a mistress movie pero tungkol ito sa buhay naming tatlo and kung paano namin na-overcome ang mga problema and we get obsessed with certain situations,” banggit pa ni Dawn.

Dagdag pa niya, tiyak na masosorpresa ang moviegoers sa pelikulang ito.

“Hindi siya malalim, pero makaka-relate silang lahat sa pelikula,” aniya pa.

Bukod sa Crossroads ay may gagawin ding teleserye sina Dawn at Richard, ang malapit na ring umpisahang i-taping na A Family Story under Direk Jerry Sineneng.

Makakasama naman nina Dawn at Goma sa serye sina Tonton Gutierrez, Assunta de Rossi, Jessy Mendiola, JC de Vera at Sam Concepcion.

Ayon kay Dawn, mag-uumpisa ang kuwento sa isang simpleng pamumuhay ng kanilang pamilya hanggang sa naging successful sila, yumaman at lumaki ang pamilya nila, pero doon na nag-ugat ang kaguluhan.