Anne Curtis, int’l star ang dating sa ‘Blood Ransom’

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

anne curtis

HOT na hot ngayon si Anne Curtis dahil rave na rave ang netizens sa napapanood na trailer ng kanyang pinakaunang international indie movie na Blood Ransom.

Tiyak na marami na ang nag-aabang ng pelikulang ito na magsisimula nang ipalabas sa mga sinehan ngayong araw at sa October 31 naman sa America.

Mula sa panulat at direksiyon ng Fil-Am na si Francis dela Torre (ang director ng Subject: I Love You, isang international indie film din na nagbigay ng parangal bilang actor kay Jericho Rosales sa Newport Beach Film Festival noong 2011), ginagampanan ni Anne ang female lead na si Crystal sa Blood Ransom na isang romance thriller.

Si Crystal ang love interest ng kinatatakutang si Roman. Magkakaroon siya ng affair kay Jeremiah (Alexander Dreymon), ang taong uutusan ni Roman para hagilapin at kidnapin ang nagtatagong si Crystal para ibalik sa kanya.

International star ang aura ni Anne sa pelikula, lalo pa’t marami siyang maiinit na eksena kasama si Dreymon. Ayon sa mga nakapanood sa red carpet celebrity premiere nito sa Resorts World, very Hollywoodish ang rehistro ni Anne sa screen at ang lakas ng dating.

Siyempre, sobrang excited ang aktres at Showtime host sa playdate ng pelikulang ito.

Nag-audition si Anne para sa papel ni Crystal. Ang saad niya sa kanyang Twitter account: “Something to look forward to next month (ngayong buwan)! My very first international indie film. I actually auditioned to get this part and got to experience filming in the States! So excited to see how it turned out! Yaaahooo.”