Vilma-Angel movie, kumpirmado

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Vilma & Angel

KINUMPIRMA sa amin ni Vilma Santos na nakipag-meeting na siya with Star Cinema executives para sa gagawin niyang pelikula with Angel Locsin.

Pero ayon kay Ate Vi, may ilang detalye pa silang dapat pag-usapan.

“(I) will talk to you again ‘pag final na ang lahat, although nag-meeting na kami at maganda naman ang pag-uusap namin,” sabi ng gobernadora ng Batangas.

Natawa si Ate Vi nang binanggit namin na ipinagmamalaki ng panganay niyang si Luis Manzano ang nakatakdang pagsasama nila sa pelikula ng kanyang future daughter-in-law na si Angel Locsin.

Aniya, nasa kanya na ang script ng movie pero hanggang doon lang daw muna ang maibibigay niyang detalye.

Naitanong namin kay Ate Vi ang tungkol sa mga nasusulat na iiwanan na niya ang pulitika at magko-concetrate na uli siya sa pelikula.

“No decisions yet as of this time. ‘Balik ko muna ‘yung energy ko at tatapusin ang mga trabaho ko sa Batangas. And that’s my priority,” sambit pa ng Star for All Seasons.