Boyet, bilib kay Jake Cuenca

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Christopher-de-Leon-copy-550x456

AS of this writing ay nasa America uli si Christopher de Leon para asikasuhin ang mga pangangailangan ng anak nila ni Sandy Andolong na ipinapagamot nila sa California Pacific Medical Center.

Pero ilang araw lang doon ang Drama King dahil kailangan siyang mag-taping para sa Ikaw Lamang. Ginagampanan ni Boyet sa Book 2 ng serye ang role ni Jake Cuenca.

Puring-puri ni Boyet ang acting at character portrayal ni Jake sa Ikaw Lamang. Hangang-hanga siya sa kahusayan ni Jake bilang kontrabida sa pagmamahalan ng mga bidang sina Kim Chiu at Coco Martin.

Inamin ng premyadong aktor na natutukan niya ang master-serye at kitang-kita niya ang ibinigay na dedikasyon ni Jake sa role. Kaya hindi tuloy niya malaman kung saan niya hinugot ang portrayal niya sa naturang character lalo na sa   matitinding scene o highlights.

Dagdag pa ni Boyet, ang role ni Jake ang pinaka-complicated sa lahat dahil ginawa siyang masama ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Hindi pa niya alam kung hanggang saan aabot ang takbo ng kuwento ng Ikaw Lamang. Hindi rin niya nalalaman kung anu-ano ang magiging kaganapan sa character na ginampanan niya.  

Malaki ang pasasalamat ni Boyet sa pagkakataong patuloy na ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network. Kahit papaano, aniya, nalilibang siya at medyo nada-divert pansamantala ang atensiyon niya.

Hindi nga naman madali para sa hinahangaan naming aktor na harapin ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya lalo na at nasa ICU pa rin ang anak nilang si Miguel dahil sa testicular germ tumor.