APEC Summit, pinaghahandaan na

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Abala ang gobyerno sa paghahanda sa pagdaraos sa bansa ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa susunod na taon, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nagpapatayo at nagsasaayos na ang gobyerno ng mga imprastruktura na gagamitin sa summit na gagawin sa Maynila at sa Iloilo.

Inihahanda na rin ang pagdarausan ng summit, ang sektor ng negosyo at ang APEC CEO summit, sinabi ni Valte sa isang panayam ng DZRB.

Aniya, nakapili na ang Pangulo ng mga lugar na pagdarausan ng mga pulong pero sinabi ni Valte na isinasapinal pa ng Malacañang ang mga detalye at ihahayag din nila ang mga ito kapag maayos nang nailatag lahat.

Taong 1996 nang huling idaos sa Pilipinas ang APEC Summit. – JC Bello Ruiz